Brownman Revival
Binibini
[Verse 1]
Binibini sa aking pagtulog, ika'y panaginip ko
Panaganip ng kathang dakila nitong pag-iisip ko

[Pre-Chorus 1]
Ang katulad mo raw ay birhen
Sa aba na altar ng purong pag-ibig

[Chorus]
O, kay ganda
O, kay gandang mag-alay sa'yo

[Verse 2]
Alaala, pag-isip at pagod
Sa'yo'y binigay ko raw
Binibini, ang aking dalangi't dasal
Dininig mo raw

[Pre-Chorus 2]
Wika mo raw, "Iingatan ko
Magpakailan pa man ang purong pag-ibig"

[Chorus]
O, kay ganda
O, kay gandang mag-alay sa'yo
O, kay ganda
O, kay gandang mag-alay sa'yo
[Bridge]
Sa'king tanong, "Magkatotoo kaya?"
Sagot mo para nang sinadya

[Verse 3]
Pagsapit ng magandang umaga
Ako'y bumalikwas din
Panaginip naglaho't natunaw
Ngunit nar'yan ka pa rin

[Pre-Chorus 3]
Paraluman, ikaw ay akin
Sa bisa ng lakas ng purong pag-ibig

[Chorus]
O, kay ganda
O, kay gandang mag-alay sa'yo
O, kay ganda
O, kay gandang mag-alay sa'yo

[Instrumental Outro]