Brownman Revival
Ngayong Gabi
[Verse 1]
Maaari ba kitang ilabas ngayong gabi?
Kay tagal ko nang pinangarap
Makasama ka, kahit sandali

O, pwede mo pa ba pagbigyan ngayong gabi?
Pilit ko man hindi ipakita
Halatang matagal na ako sa'yo'y naakit
Woah, woah, oh, oh

[Chorus]
Hiwaga ng iyong ganda
Lagi kong pinipinta
Tuwing ako'y natutulala
Tuwing ako'y nag-iisa
Pilitin ko man na limutin
Lalo lang umiigting
Ang hiyaw ng aking damdamin
Na ikaw ay makapiling

[Verse 2]
Sikat ka na pala
Nakita kita sa TV
Tatanggapin mo pa kaya
Ang paanyaya sa'yo ngayong gabi?
Oh, woah
Sa may 'di kalayuan
Magkayakap nang mahigpit
Nais ko sanang ipadama
Init at tamis ng aking mga halik
Woah, woah, oh, oh

[Chorus]
Hiwaga ng iyong ganda
Lagi kong pinipinta
Tuwing ako'y natutulala
Tuwing ako'y nag-iisa
Pilitin ko man na limutin
Lalo lang umiigting
Ang hiyaw ng aking damdamin
Na ikaw ay makapiling

Hiwaga ng iyong ganda
Lagi kong pinipinta
Tuwing ako'y natutulala
Tuwing ako'y nag-iisa
Pilitin ko man na limutin
Lalo lang umiigting
Ang hiyaw ng aking damdamin
Na ikaw ay makapiling

[Outro]
Ngayong gabi
Ngayong gabi
Pwede ba kahit na sandali?
Ngayong gabi
Ngayong gabi
Pwede ba kahit na sandali?
Ngayong gabi
Ngayong gabi
Pwede ba kahit na sandali?
Ngayong gabi
Ngayong gabi
Pwede ba kahit na sandali?