Paolo Santos
Eto Na
'Di ko akalaing ito'y magaganap
Pag-ibig mo sa akin ang siyang hinahanap
Sa gabi at umaga'y 'di mapakali

'Di ko rin naisip na magkakaganito
Tuwing kasama ka para bang naglalaro sa langit
'Di ko rin mapigil ang aking ngiti

[Chorus]
Sa paglipas ng mga taon
Pagbabago dala ng panahon ay nalaman
Na tuwing kasama ka
Mundo'y sumasaya't sumisigla

'Di mapaliwanag ang nararamdaman
'Di makakapayag na ako'y iyong iiwan
Naniniwala na tayo ay iisa umaasa sanay eto na

'Pag namromroblema inisip ka lang
Ating pinagsamahan na di matatabunan
Kung sino mang iba tanda ng pagkikila ng isa't isa

[Chorus]
Sa paglipas ng mga taon
Pagbabago dala ng panahon ay nalaman
Na tuwing kasama ka
Mundo'y sumasaya't sumisigla
Umaasa sana'y 'eto na
Sana'y 'eto na, ahhhh (3x)