Sponge Cola
Tuliro
[Intro]
1, 2, 3

[Verse 1]
Labis ako'y nahuhumaling
Sabik sa bawat sandaling
Ika'y makapiling
Giliw, hayaang lumapit
'Wag mo sanang ipagkait
Malas ang langit

[Chorus]
Anong nadarama t'wing makikita kang dumarating?
Tuliro, 'di malaman ang gagawin
At walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa'yo (Hay)

[Verse 2]
Wari, 'di ko na malimot
Mga galaw at kilos mo
Sa aking pagtulog
At sa panaginip, ika'y mamalagi
At 'di na muling malulumbay
Sa aking paggising

[Chorus]
Anong nadarama t'wing makikita kang dumarating?
Tuliro, 'di malaman ang gagawin
At walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa'yo
[Post-Chorus]
Anong nadarama?

[Instrumental Bridge]

[Chorus 2]
Pa'nong nadarama gayong sa isip ko'y hindi ka maalis?
Tuliro, 'di malaman ang gagawin
At walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa'yo

[Chorus 3]
Anong nadarama ngayon at nandirito ka sa'king tabi?
Tuliro, 'di malaman ang gagawin
At walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa'yo

[Outro]
Tu-ru-tut-tut-tu (—liro, —liro)
Tu-ru-tut-tut-tu (—liro, —liro)
Tu-ru-tut-tut-tu (—liro, —liro)
Tu-ru-tut-tut-tu (—liro, —liro)
Tu-ru-tut-tut-tu (—liro, —liro)
Tu-ru-tut-tut-tu (—liro, —liro)
Tu-ru-tut-tut-tu (—liro, —liro)
Tu-ru-tut-tut-tu (—liro, —liro)
Tu-ru-tut-tut-tu (—liro, —liro)