Sponge Cola
Coda
[Verse 1: Sponge Cola]
Sayang giliw ito ang sinapit
Akin lamang napag-alaman
Wala ang tindi ng poot at 'yong galit
Kung wala ring mababalikan

[Chorus]
Bakit hindi kita mapigil at magawang kita'y habulin?
Hindi makakibot, paa'y kapwa aking di magalaw

[Verse 2: Sponge Cola]
Hanggang tingin na lamang ang akin hanggang maglaho sa abot-tanaw
Hidwaan natin mananatili
Sa'yo ba'y meron katuturan?
'Di nabatid na tatalikdan ang hinagap nating sumpaan
Hahantong din pala ang lahat sa kabiguan

[Interlude]
Whoooaaa......

[Chorus]
Bakit hindi kita mapigil at magawang kita'y habulin?
Hindi makakibot, paa'y kapwa aking di magalaw
Bakit hindi kita masisi?
Pagiging tama o mali anong silbi
Kung tayo rin (kung tayo rin)
Mawawaglit (mawawaglit)
Anong saysay?

Kung tayo rin
Mawawaglit
Anong saysay?