Ako'y nagtutulog-tulugan
Ayaw lang makipagkuwentuhan
Pikit-mata ngunit bukas ang isipan
Ikaw ang nasusulyapan
Sana ikaw na lang, sinta
Sana naman, may pag-asa pa
Siguro naman, mas sasaya, sa piling mo'y liligaya
Sana ikaw na lang, sinta
Marahil ay nagkamali (nagkamali)
Patawad na, ako'y nagsisisi
Sana'y mapagbigyan ang aking hinihingi
'Di na uulit pang muli
Sana ikaw na lang, sinta
Sana naman, may pag-asa pa
Siguro naman, mas sasaya, sa piling mo'y liligaya
Sana ikaw na lang, sinta
Nagbagong-isip
Nagbago ang ihip ng hangin
Sana ikaw na lang, sinta
Sana naman, may pag-asa pa
Siguro naman, mas sasaya, sa piling mo'y liligaya
Sana ikaw na lang, sinta
Siguro naman, mas sasaya, sa piling mo'y liligaya
Sana ikaw na lang, sinta