Siakol
Meron Pa
[Verse 1]
Malalawak na paligid, o kay gandang masdan
Malalayang ibon nagliliparan
Sariwang hangin yumayakap sa'kin
Malinis na batis, ako ay lunurin

[Chorus]
Ang akala ko’y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran
Meron pa pala tayong 'di napapansin
At meron pa pala tayong sisirain

[Verse 2]
Sa iba't ibang mga lugar na aking napuntahan
Paghanga ay naramdaman sa aking nasaksihan
Bundok at kagubatan noon ay isang larawan
Ngayon lang natagpuan ang tunay n’yang kagandahan

[Chorus]
Ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran
Meron pa pala tayong 'di nararating
At meron pa pala tayong sisirain

[Verse 3]
O aking Bathala na siyang lumikha
Ng lahat dito sa lupa, ako ay namangha
Hindi man makabago sa gawa ng tao
Na kalikasa'y isakripisyo, pag-unlad ba ito?
[Chorus]
Ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran
Meron pa pala tayong 'di nararating
At meron pa pala tayong sisirain

[Guitar Solo]

[Verse 4]
Siksikan sa paligid kay pangit pagmasdan
Mga pagod na ibon walang madapuan
Mabahong hangin sumasakal sa akin
Napakaruming tubig tanawin sa amin

[Chorus]
Ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran
Meron pa pala tayong 'di nararating
At meron pa pala tayong sisirain

[Guitar Solo]

[Chorus]
Ang akala ko’y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran
Meron pa pala tayong ’di nararating
At meron pa pala tayong sisirain

[Outro]
Sisirain
Sisirain
Sisirain
Sisirain