[Verse 1]
Lalabas ako ng bahay at ako ay sasakay
Kahit sa'n pa mapunta, pareho rin namang wala ka
At ako'y niinip sa mga yakap mo't halik
Sa mga ngiti mo at tawa
[Chorus]
Muli bang makikita?
Muli bang madarama?
Muli bang makikita?
Muli bang madarama?
[Verse 2]
Lalabas ako ng bahay kahit na nalulumbay
'Di naman nila mapapansin ang bigat sa aking damdamin
Na ako'y naiinip sa muli mong pagbalik
Sa ligaya mong dala
[Chorus]
Muli bang makikita?
Muli bang madarama?
Muli bang makikita?
Muli bang madarama?
[Instrumental Break]
[Chorus]
Muli bang makikita?
Muli bang madarama?
Muli bang makikita?
Muli bang madarama?
[Verse 3]
Lalabas ako ng bahay, maghahanap ako ng away
At baka ika'y dumamay kung isa na 'kong patay
Dahil ako'y naiinip na makapiling ka sa langit
Sa mundo nating dal'wa
[Outro]
Muli nang makikita
Muli nang madarama
Muli nang makikita
Muli nang madarama
Muli nang makikita
Muli nang madarama
Muli nang makikita
Muli nang madarama