[Verse 1]
Sariwa pa sa akin ang nakaraan
Bata pa tayo no'n at walang kamuwang-muwang
Magkalarong lagi at may tuksuhan
Ng musmos na isipan sa bahay-bahayan
[Verse 2]
Laging bulong noon ng aking damdamin
Ang nadama sa'yo na 'di pa pwedeng aminin
Unti-unti mong pagganda'y nasaksihan
Tinatanaw-tanaw, iniingat-ingatan
[Pre-Chorus 1]
Sayang naman
Hindi mo ba ito alam?
Sayang naman
Maghihintay na lang
[Chorus]
Sa bahay-bahayan na puno ng kasiyahan
Mga ngiti mong tila may kahulugan
Sa mura mong edad ako'y may kasalanan
Sa lihim kong 'di dapat pa sa kabataan
[Verse 3]
At dumating na nga ang tamang panahon
Binata na ako at dalaga ka na ngayon
At dumating din ang kinatatakutan
Hindi ako 'pagkat iba pala ang iyong nagustuhan
[Pre-Chorus 2]
Sayang naman
Itong inaasam-asam
Sayang naman
Ba't nagkaganyan?
[Guitar Solo]
[Pre-Chorus 2]
Sayang naman
Itong inaasam-asam
Sayang naman
Ba't nagkaganyan?
[Verse 4]
Sariwa pa sa akin ang nakaraan
Kaya dama ko pa ang sakit na naranasan
Hindi biro ang ganitong kapalaran
Na ka'y tagal-tagal ko nang pinanghihinayangan
[Pre-Chorus 2]
Sayang naman
Itong inaasam-asam
Sayang naman
Ba't nagkaganyan?
[Coda]
Sayang naman
At 'di na pwedeng balikan
Sayang naman
Itong bahay-bahayan