Siakol
Imadyinin Mo
[Verse 1]
Imadyinin mo
Habang nakatambay sa kanto
Humihithit ng sigarilyo
Nagbibilang ng mga tao
Ano ba ang kinabukasan
Na sa akin ay nakalaan?
Imadyinin mo, imadyinin mo

[Verse 2]
Imadyinin mo
May maayos kang trabaho
Kahit 'di tumaya sa Lotto
Kuntento na sa sinisweldo
Sa mesa ay may nakahain
Mga masustansyang pagkain
Imadyinin mo, imadyinin mo

[Verse 3]
Imadyinin mo
Libreng school para matuto
Sa mga batang may talento
Hindi napupunta sa bisyo
Gamot para sa pobreng may sakit
Ang ospital ay may malasakit
Imadyinin mo, imadyinin mo
[Guitar Solo]

[Verse 4]
Imadyinin mo
Walang kurakot sa gobyerno
Anghel na ang nasa palasyo
Damang-dama ang benepisyo
Walang pulis na tulog nang tulog
Manggagawa at magsasaka ay busog
Imadyinin mo, imadyinin mo

[Verse 5]
Imadyinin mo
Isang bansang may pagbabago
Sa lahat ang pag-asenso
'Di na nagra-rally ang tao
Umiral ang pagkapantay-pantay
Walang binubulsa, pinamimigay
Imadyinin mo, imadyinin mo

[Coda]
Imadyinin mo
Habang nakatambay sa kanto
Nagiisip ng kung anu-ano, woah, oh
Imadyinin mo, imadyinin mo
Imadyinin mo, imadyinin mo
Imadyinin mo, imadyinin mo
(May nakaupo sa trono!)
Imadyinin mo, imadyinin mo
(Kay kapal ng bilyong piso!)
Imadyinin mo