Siakol
Akala Ko’y Langit
[Verse 1]
At tinangay ka na ng hangin
Papalayo sa akin
Wala nang iisipin
Kahibangan ko'y natapos din

[Pre-Chorus 1]
Nasanay na 'kong magulo ang mundo
Nasanay na 'kong malayo sa'yo
Wala na kahit pa maganda mong alaalang nakakapit
Aalisin ko na rin ang larawan mong nakasabit

[Verse 2]
At tinangay na rin ng usok
Naglaho na at may tuldok
'Di na makakapasok
Tapos na ako sa pagsubok

[Pre-Chorus]
Alam ko nang may tama ang mali
Alam ko nang ang sobra'y may sukli
Dahil ang isang katulad mo'y liwanag na marikit
At ako ang gamu-gamo na sa iyo'y napalapit

[Chorus]
Akala ko'y langit (Akala ko'y langit)
Bakit ang init? (Bakit ang init?)
Lagi na lang nag-aakala dahil sa pagtitiwala
Akala ko'y langit (Akala ko'y langit)
Bakit ang init? (Bakit ang init?)
Huli man daw ang pagsisisi
May umaga naman pagtapos ng gabi
[Guitar Solo]

[Verse 3]
At tinangay na rin ng usok
Naglaho na at may tuldok
'Di na makakapasok
Tapos na ako sa pagsubok

[Pre-Chorus 3]
Alam ko nang may tama ang mali
Alam ko nang ang sobra'y may sukli
Dahil ang isang katulad mo'y liwanag na marikit
At ako ang gamu-gamo na sa iyo'y napalapit

[Chorus]
Akala ko'y langit (Akala ko'y langit)
Bakit ang init? (Bakit ang init?)
Lagi na lang nag-aakala dahil sa pagtitiwala
Akala ko'y langit (Akala ko'y langit)
Bakit ang init? (Bakit ang init?)
Huli man daw ang pagsisisi
May umaga naman pagtapos ng gabi

[Coda]
At tinangay ka na ng hangin
Papalayo sa akin