Siakol
Karoling
[Verse 1]
A-bente kwatro ng Disyembre, alas nuebe ng gabi
Hawak-hawak ang gitara kasama buong tropa
Tatapat sa bahay-bahay, mangungulit, mag-iingay
Iipunin ang bigay para mamaya may tagay

[Chorus]
Karoling, ang saya-saya namin
Sa bawat awitin ang simoy ng hangin
Oh karoling, simbolo ng pagkainipin
Na gusto mo nang hatakin ang Paskong darating

[Verse 2]
Habulan na nga sa tono hahabulin pa ng aso
‘Pag chick ang nasa bintana, harana ang sadya
Ok lang kahit patawad o inumin na lapad
Tuloy-tuloy pa rin kami para na rin makarami

[Chorus]
Karoling ang saya-saya namin
Sa bawat awitin ang simoy ng hangin
Oh karoling, simbolo ng pagkainipin
Na gusto mo nang hatakin ang Paskong darating

[Bridge]
Ang aming pagbati
Sana ay manatili
Ang kaligayahan n'yo
Kahit hindi Pasko
[Verse 3]
May KJ at nagmumura, masakit lang daw sa tenga
‘Di yata nila alam, araw ‘to ng pagbibigayan
Pagmamahalan kahit ngiti man lang sa amin ay galak
Meron pang palakpak

[Chorus]
Oh karoling, ang saya-saya namin
Sa bawat awitin ang simoy ng hangin
Oh karoling, simbolo ng pagkainipin
Na gusto mo nang hatakin ang Paskong darating

Oh karoling, ang saya-saya namin
Sa bawat awitin ang simoy ng hangin
Oh karoling, simbolo ng pagkainipin
Na gusto mo nang hatakin ang Paskong darating

[Outro]
Paskong darating
Paskong darating