[Verse 1]
Teka lang, 'wag kang umalis
Kapag ika'y na-miss
Wala 'kong kausap, laway ay mapapanis
Teka lang, 'wag kang lalayo
Kapag ika'y nagtago
Sa kahahanap, 'di na makakaligo
[Pre-Chorus]
Mapapabayaan na ang sarili ko
Kaya huwag nang ituloy ang binabalak mo
Alam mo naman na hawak-hawak mo ang aking buhay
Kung bibitawan mo 'ko, masahol pa ako sa isang patay
[Chorus]
Sige, kung ayaw mong magpaawat
Salamat na lang sa lahat, sana ika'y mag-ingat
Sige, wala nang dapat pag-usapan
Kung ayaw ay may dahilan
At kung gusto ay merong paraan
[Verse 2]
Teka lang, 'wag kang mang-iwan
Kapag ika'y lumisan
Titingin lang sa ulap hanggang ulo ay masiraan
Teka lang, 'wag kang magpasya
Kapag ika'y alaws na
Guguhong pangarap, isa na 'kong taong grasa
[Pre-Chorus]
Mapapabayaan na ang sarili ko
Kaya huwag nang ituloy ang binabalak mo
Alam mo naman na hawak-hawak mo ang aking buhay
Kung bibitawan mo 'ko, masahol pa ako sa isang patay
[Chorus]
Sige, kung ayaw mong magpaawat
Salamat na lang sa lahat, sana ika'y mag-ingat
Sige, wala ng dapat pag-usapan
Kung ayaw ay may dahilan
At kung gusto ay merong paraan
[Guitar Solo]