Siakol
Tropa
[Verse 1]
Kwentuhan na kabulastugan
Hindi malilimutan ang asaran
Na merong pikunan
Lalo na rin ang unang niligawan
Unang kabiguan
At d'yan na seseryoso ang usapan
Ang pagdadamayan

[Pre-Chorus 1]
Ng tunay at tapat na kaibigan
Kong mga buang
Kaibigan, lubhang maaasahan, oh

[Chorus]
'Di na tayo pabata
Edad ma'y 'di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa
Pero kahit gano'n
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
T'yak may kwela
'Yan ang aking mga tropa

[Verse 2]
Inuman na pangmagdamagan
Minsan inaabot pa ng ayaan
Na kung saan-saan
Na para bang walang kinabukasan
At kahahantungan
At d'yan na seseryoso ang usapan
Ang pagpapayuhan
[Pre-Chorus 2]
Ng tunay at tapat na kaibigan
Kong mga baliw
Kaibigan namang nakakaaliw, oh

[Chorus]
'Di na tayo pabata
Edad ma'y 'di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa
Pero kahit gano'n
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
T'yak may kwela
'Yan ang aking mga tropa

[Instrumental Bridge]

[Chorus]
'Di na tayo pabata
Edad ma'y 'di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa
Pero kahit gano'n
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
T'yak may kwela
'Yan ang aking mga tropa
'Di na tayo pabata
Edad ma'y 'di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa
Pero kahit gano'n
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
T'yak may kwela
'Yan ang aking mga tropa