Siakol
Lakas Tama (Panibagong Tama)
[Intro]
'Eto pakinggan n'yo
Sobrang lakas ng tama ko
'Wag n'yong pigilin 'to, 'wag n'yong awatin
Baka biglang sumabog ang aking damdamin
Eto pakinggan n'yo
Sobrang lakas ng tama ko
'Wag n'yong pigilin 'to 'wag n'yong awatin
Baka biglang sumabog ang aking damdamin
[Verse 1]
"Bulag ang pag-ibig," kasabihan na sa atin
Ngunit para sa'yo, ang pag-ibig ko ay duling
'Pagkat dalawang beses ako sa'yo may pagtingin
Kay tindi ng 'yong dating sa puso’t damdamin
Sa tunay kong pagmamahal natotorpe sa'yo
Mukhang pinasukan ng daga ang puso kong bato
Dahil alam ko ring walang ibubunga ito
Natatakot akong mawala ang isang katulad mo
[Chorus]
Lakas tama, ako'y nawawala (Ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
Lakas tama, ako'y nawawala (Ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
[Post-Chorus]
'Di ko alam ang gagawin, pero alam mo, para akong mababaliw
Sa kakaisip mula gabi hanggang umaga
Mahal mo ba ako? Tamang hinala
Tamang duda, napapraning
'Wag niyo nang hintayin ang paningin ko magdilim
Kung hindi ka rin lang magiging sa'kin
Mabuti pang maglaho kasabay ng hangin
[Verse 2]
Mga kamay ko ay nanginginig na sa iyo
Na makayakap ka sa tuwing giniginaw ako
At ang iyong labi na sa'kin ay tumutukso
Kailan mahahagkan nang matapos na ang gulo?
Sa pagputi ba ng uwak mo 'ko sasagutin?
Kung ang kulay ko nga ay kay hirap paputiin
Ipagpatawad mo na lang kung agad kang mahalin
Gan'to ako kung umibig medyo napapraning
[Chorus]
Lakas tama, ako'y nawawala (Ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
Lakas tama, ako'y nawawala (Ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
[Post-Chorus]
'Eto pakinggan n'yo
Sobrang lakas ng tama ko
'Wag n'yong pigilin 'to 'wag n'yong awatin
Baka biglang sumabog ang aking damdamin
'Eto pakinggan n'yo
Sobrang lakas ng tama ko
'Wag n'yong pigilin 'to 'wag n'yong awatin
Baka biglang sumabog ang aking damdamin
[Chorus]
Lakas tama ako'y nawawala (Ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
Lakas tama ako'y nawawala (Ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
Lakas tama ako'y nawawala (Ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
Lakas tama ako'y nawawala (Ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka sinta
[Outro]
Siakol, mad world, D-Coy, ang lakas ng tama niyo