[Verse 1]
Ikaw na ba 'yan, oh Santa?
Matagal na rin kitang gustong makita
Mula no'ng ako ay bata pa
Pangarap na kitang makasama
Kaya ikaw na ba yan, oh Santa?
[Verse 2]
Ikaw na ba 'yan, oh Santa?
Sa'ming bubong ay dahan-dahan pa
Meron ka bang dala-dala at ako'ng bubuhat, pwede ba?
Sa pagbibigay ng regalo ay tutulungan ka
[Chorus]
At sasakay sa karwahe na lumilipad sa gabi
Hila'ng mga reindeer na si Rudolf ang bida sa byahe
[Verse 3]
Ikaw na ba 'yan, oh Santa?
Balbas-saradong mama at nakapula
T'wing Pasko ikaw ay kilala
Pero 'di naman nakikita
Kaya ikaw na ba 'yan, oh Santa?
[Guitar Solo]
[Chorus]
At sasakay sa karwahe na lumilipad sa gabi
Hila'ng mga reindeer na si Rudolf ang bida sa byahe
[Verse 4]
Ikaw na ba 'yan, oh Santa?
Bakit sa mukha ay may medyas ka pa?
At iba ang 'yong kinakarga
Mga gamit namin kinukuha
Pati ang konti kong pera'y dinagit pa
[Outro]
Iba na ngayon si Santa
Nangayayat at mukhang naghirap na
At dapat nang mag-ingat sa kanya
Akyat-bahay na ang raket niya
Si Santa Klaws ay magnanakaw na pala