[Verse 1]
Dumilat ka at pagmasdan mo
Inang Bayan ay nagsusumamo
Ang dating kaliwanagan
Bakit ngayon ay kadiliman?
[Pre-Chorus]
Huwag bubunganga sa ating bayang sumasama
Sa katarantaduhang ikaw ang may gawa
[Verse 2]
Puro patayan, walang katapusan
Hindi ba naturuan ng pagmamahalan?
Sagana sa yaman, ugat ng lahat
Silang matataas ang may likha ng lamat
[Pre-Chorus]
Mga hinanakit hindi na ba matatapos?
'Di ba matitinag? Wala pang paggalang sa Diyos
[Chorus]
Tayo na sa paraiso at 'wag na nating muling babalikan
Ang mga demonyo ay nagkalat na sa ating kapaligiran
Sila na nais maghasik ng kalagiman sa ating lipunan
At kung ikaw ay mahahawa ay lalong lagim ang kahihinatnan
Lagim ang sasapitin
[Instrumental Break]
[Verse 3]
Kasakiman, kapangyarihan
Ikaw ba'y diyos ng sanlibutan?
Pera na sa atin ay bumubuhay
Dito ay maraming nagbuwis ng buhay
[Pre-Chorus]
Sobrang talino marami raw siyang naimbento
Ngunit lagim naman ang siyang naging epekto
[Verse 4]
Kaplastikan sa kapwa tao, ginagamit ang pangalang Kristo
Kaligtasan ang usap-usapan, ngunit ang isipan ay kalaswaan
[Pre-Chorus]
Dala ay Bibliya, buong akala mo'y santo
Sa likod ng maskara ay isa palang diablo