Siakol
Salot
[Verse 1]
Pagkagising ko sa umaga
Balita sa dyaryo ang nakita
Wala pa ring pinag-iba
Karahasan ang makikita

[Pre-Chorus]
Anong klaseng pamumuhay?
Kaguluha'y wala na bang humpay?

[Verse 2]
Ako'y napadaan sa isang kanto
Marami ang nagkakagulo
Tsismis pala ang kanilang punto
Paninira sa kapwa tao

[Pre-Chorus]
Bigyan naman natin ng pag-asa
Ang mga taong nangangapa

[Chorus]
Ang mundo ay umiikot
Huwag ka sanang malikot
Baka ikaw ay mahulog
Hindi ka ba natatakot?
At ikaw ay matawag na salot
[Guitar Solo]

[Verse 3]
Nakita ko ang dating kaibigan
Agad niya akong nilapitan
Nagbago na ang kanyang katawan
Dahil sa bisyong 'di maiwasan

[Pre-Chorus]
Bakit kay rami sa'tin ang ganito?
Sarili ay inaabuso

[Chorus]
Ang mundo ay umiikot
Huwag ka sanang malikot
Baka ikaw ay mahulog
Hindi ka ba natatakot?
At ikaw ay matawag na salot

[Outro]
Ang mundo ay umiikot
Huwag ka sanang malikot
Baka ikaw ay mahulog
Hindi ka ba natatakot?
At ikaw ay matawag na salot