[Verse 1]
Limang oras na akong naghihintay sa′yo
Ngunit wala man lang kahit anino mo
Pabango kong mumurahin ay naglaho na
Damit kong gusot-gusot, pinagpawisan pa
'Pag ikaw ay kasabay wala man lang akbay
May masabi lang ako, bakit inaaway?
Syota mo ba ako? Pakiliwanag nga
At ako'y mapapraning na sa iyo sinta
[Chorus]
Ayoko na sa iyo, ang labu-labo mo
Ang buong akala ko'y mahal mo 'ko
Bakit ka ba ganyan? Dehins ko masakyan
Hindi ako gago, ayoko na sa'yo
[Verse 2]
Basta′t sinabi mo, taas kamay sa'yo
Pati barkada ko ay naitabla ko
Ako'y nasasaktan na sa'ting relasyon
Para kang babae no'ng unang panahon
[Chorus]
Ayoko na sa iyo, ang labu-labo mo
Ang buong akala ko'y mahal mo 'ko
Bakit ka ba ganyan? Dehins ko masakyan
Hindi ako gago, ayoko na sa'yo
Hoy!
[Guitar Solo]
[Verse 3]
Kahit isang halik
Hindi ka masagtik
At kung tawagin mo pa 'ko ay adik
Hindi ako aso na susunod sa'yo
Mabuti pang tapusin na ang kahayupan mo
[Chorus]
Ayoko na sa iyo, ang labu-labo mo
Ang buong akala ko'y mahal mo 'ko
Bakit ka ba ganyan? Dehins ko masakyan
Hindi ako gago, ayoko na sa'yo
Ayoko na sa iyo, ang labu-labo mo
Ang buong akala ko'y mahal mo 'ko
Bakit ka ba ganyan? Dehins ko masakyan
Hindi ako gago, ayoko na sa'yo
Ayoko na sa iyo, ang labu-labo mo
Ang buong akala ko'y mahal mo 'ko
Bakit ka ba ganyan? Dehins ko masakyan
Hindi ako gago, ayoko na sa'yo
[Outro]
Hoy!
Hoy!
Hoy!