Siakol
Lakas-Tama
[Verse 1]
"Bulag ang pag-ibig", kasabihan na sa atin
Ngunit para sa'yo ang pag-ibig ko ay duling
'Pagkat dalawang beses ako sa'yo may pagtingin
Kay tindi ng 'yong dating sa puso't damdamin

[Verse 2]
Sa tunay kong pagmamahal, natotorpe sa'yo
Mukhang pinasukan ng daga ang puso kong bato
Dahil alam ko rin walang ibubunga ito
Natatakot akong mawala ang isang katulad mo

[Chorus]
Lakas tama, ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka, sinta
Lakas tama, ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka, sinta

[Verse 3]
Mga kamay ko ay nanginginig na sa iyo
Na makayakap ka sa t'wing giniginaw ako
At ang iyong labi na sa'kin ay tumutukso
Kailan mahahagkan nang matapos na ang gulo?

[Verse 4]
Sa pagputi ba ng uwak mo ako sasagutin?
Kung ang kulay ko nga ay kay hirap paputiin
Ipagpatawad mo na lang 'pagkat kang mahalin
Gan'to ako kung umibig, medyo napapraning
[Chorus]
Lakas tama, ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka, sinta
Lakas tama, ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka, sinta

[Instrumental interlude]

[Chorus]
Lakas tama, ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka, sinta
Lakas tama, ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka, sinta

[Outro]
Lakas tama, ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka, sinta
Lakas tama, ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka, sinta