Siakol
Ikaw Ba Yan
[Chorus]
Ikaw ba yan? Muntik nang 'di makilala
Marunong ka na rin pala ngayong tumawa
Tunay kaya itong aking nakikita?
Mukhang natapos din ang 'yong pagdurusa

[Verse 1]
Dati-rati 'pag kasama ka punong-puno ng drama
Gusto mong magpakamatay, inawat lang kita
Alam kong makakaya mo ang lahat
Kahit anong bigat, mabubuhat

[Chorus]
Ikaw ba yan? Muntik nang 'di makilala
Marunong ka na rin pala ngayong tumawa
Tunay kaya itong aking nakikita?
Mukhang natapos din ang 'yong pagdurusa

[Verse 2]
Dati-rati 'pag nagkwento ka, bukambibig mo sya
Hindi mo matanggap kahit siniraan ko na
Pero nadadala rin ang tao
Kahit magpakabobo, matututo
Uh!

[Guitar Solo]
[Verse 3]
Dati-rati 'pag binibiro, napipikon ka na
Ngayon inaasar kita, ngiti'y hanggang tenga
Ang nawala hindi man mabawi
Kahit kirot at hapdi mapapawi

[Chorus]
Ikaw ba yan? Muntik nang 'di makilala
Marunong ka na rin pala ngayong tumawa
Tunay kaya itong aking nakikita?
Mukhang natapos din ang 'yong pagdurusa

[Bridge]
Ikaw ba 'yan?
Ikaw ba 'yan?
Ikaw ba 'yan?
Ikaw ba 'yan?

[Coda]
Ikaw ba yan? 'Di ko lubos na maisip
Akala ko tuloy ako'y nananaginip