[Verse 1]
Naitayo mo na ba ang Christmas Tree?
May pangregalo ka na ba sa inaanak mong marami?
Naisabit mo na ba ang parol?
Sa okasyong ito, 'di ka na ba magagahol?
[Pre-Chorus 1]
At sa pagkakataong ito kami naman ang babati
Sana'y maibigan n'yo ang mga kanta kung maaari
Magpahinga na muna at sumandal lang sandali
Handa na ang aming tambol, gitara at buong barkada
[Chorus]
Maligayang Pasko (Maligayang Pasko)
At manigong Bagong Taon sa inyo
Maligayang Pasko (Maligayang Pasko)
At manigong Bagong Taon sa inyo, oh
[Verse 2]
Naibili ka na ba ng damit na bago?
May aginaldo ka na ba sa ninong at ninang mo?
Gawa na ba ang 'yong tambol na lata?
Sa Noche Buena ba ay may kasalo kang pamilya?
[Pre-Chorus 2]
At sa pagkakataong ito kami naman ang aawit
Bagong matututunan n'yong mga batang paslit
Itigil muna ang laro at sa 'min ay lumapit
Handa na ang aming tambol, gitara at buong barkada
[Chorus]
Maligayang Pasko (Maligayang Pasko)
At manigong Bagong Taon sa inyo
Maligayang Pasko (Maligayang Pasko)
At manigong Bagong Taon sa inyo, oh
[Instrumental Break]
[Pre-Chorus 3]
At sa pagkakataong ito, magsama-sama tayo
Pagmamahal sa kapwa, ilaganap sa mundo
Sabay-sabay tayong umawit sa diwa ng Pasko
Handa na ang aming tambol, gitara at buong barkada
[Chorus]
Maligayang Pasko (Maligayang Pasko)
At manigong Bagong Taon sa inyo
Maligayang Pasko (Maligayang Pasko)
At manigong Bagong Taon sa inyo
Maligayang Pasko (Maligayang Pasko)
At manigong Bagong Taon sa inyo
Maligayang Pasko (Maligayang Pasko)
At manigong Bagong Taon sa inyo
Maligayang Pasko (Maligayang Pasko)
At manigong Bagong Taon sa inyo
Maligayang Pasko (Maligayang Pasko)
At manigong Bagong Taon sa inyo
[Outro]
Maligayang Pasko (Maligayang Pasko)
At manigong Bagong Taon sa inyo