[Verse 1]
Hoy mama, manggagawa
Kahit pa magkandakuba
Ang kita mo'y kapos pa rin sa baba
Sa bansang ang namumuno'y iba ang gawa
Hoy ale, sa isang tabi
Magtinda ka man hanggang gabi
Sa ating bayan na nahuhuli
Ganito na lang palagi ang nasasabi
[Chorus]
Paulit-ulit lamang araw-araw
Ang takbo ng ating buhay
Paulit-ulit, wala bang pagbabago
Ang pamamalakad sa gobyerno?
[Verse 2]
Hoy pare, d'yan sa rally
Lagi ka na lang kasali
Itanim mo sa iyong kukote
Kahit sinong maupo sa nakaw ay mawiwili
Hoy mare, tulad dati
Sumisigaw, nakikipag-debate
"Palitan na ang Presidente!"
Eh ano pa rin palagi ang nasasabi?
[Chorus]
Paulit-ulit lamang araw-araw
Ang takbo ng ating buhay
Paulit-ulit, wala bang pagbabago
Ang pamamalakad sa gobyerno?
[Instrumental Break]
[Chorus]
Paulit-ulit lamang araw-araw
Ang takbo ng ating buhay
Paulit-ulit, wala bang pagbabago
Ang pamamalakad sa gobyerno?
Paulit-ulit lamang araw-araw
Ang takbo ng ating buhay
Paulit-ulit, wala bang pagbabago
Ang pamamalakad sa gobyerno?