Siakol
Malaya Ba
[Verse 1]
O mahal kong bayan dahil sa'yong kagandahan
Maraming naghangad sa'yong mananakop na dayuhan
Ang katahimikan mo ay kanilang ginulo
Ngunit may nagtanggol sa’yo mga bayaning Pilipino

[Verse 2]
Nagkaisang lumaban para sa ating kalayaan
Bayaning matatapang, bayani ng ating bayan
Hindi malilimutan ang kanilang kadakilaan
Ang pag-ibig sa bayan humantong man sa kamatayan

[Chorus]
Ngayong malaya na, malaya ba?
Malayang gumawa ng masama

[Verse 3]
O mahal kong bayan ito ba ang kalayaan?
Kung ang sarili mong anak ay nagpapatayan?
Mga asal-dayuhan sa sariling bayan
Mga bagong bayani sa sariling kapakanan

[Chorus]
Ngayong malaya na, malaya ba?
Malayang gumawa ng masama
[Guitar Solo]

[Verse 4]
O mahal kong bayan na ngayo’y nahihirapan
Perlas ng Silanganan bakit dinumihan?
Ang ating kalayaan para sa kapayapaan
At hindi ang kalayaang gumawa ng kasamaan