Siakol
Bidyoke
[Verse 1]
Malalim na itong gabi
Dapat na tayong magsindi
Meron namang kuryente
TV nakabakante
Wala na ring masabi

[Refrain]
Isalang mo na, pare!
Buksan ang bidyoke

[Verse 2]
Malalim na itong gabi
Dapat nang maghappy-happy
Tayo nang magkantahan
"My Way" na walang kamatayan
Ang mic ay pag-agawan

[Refrain]
Isalang mo na, pare!
Buksan ang bidyoke

[Instrumental Break]

[Verse 3]
Malalim na itong gabi
Dapat problema'y itabi
Sabi ng kapitbahay
Ayos lang kahit maingay
Basta't may tinatagay
[Coda]
Isalang mo na, pare!
Buksan ang bidyoke