[Verse 1]
Dilim ng gabi nakabalot sa paligid
Bituin sa langit parang matang nagmamasid
Kamay ng orasan, hindi ba nahihirapan?
Masasayang nakaraan makikita sa larawan
[Verse 2]
Mundong matahimik, nabibingi ako
Hanging malamig pumasok saking ulo
Bilog na buwan paglakbayin ang aking isip
Sa aking pagtulog gumaganda'ng panaginip
[Chorus]
Naririnig mo ba ako?
Kasama ka sa aking awit
Naririnig mo ba ako?
Heto ako, ba't 'di ka lumapit?
[Guitar Solo]
[Verse 3]
Gising na diwa, malungkot na damdamin
Isipang magulo sa mga suliranin
Araw na nagdaan bakit kinalimutan?
Luhang nasayang ating iniwanan
[Chorus]
Naririnig mo ba ako?
Kasama ka sa aking awit
Naririnig mo ba ako?
Heto ako, ba't 'di ka lumapit?
Naririnig mo ba ako?
Kasama ka sa aking awit
Naririnig mo ba ako?
Heto ako, ba't 'di ka lumapit?
(Naririnig mo ba ako?) Ha-ah-ah, ah
(Kasama ka sa aking awit) Ha, ha, ha
(Naririnig mo ba ako?) Lumapit ka, lumapit ka, ha, ha
(Heto ako)
Ba't di ka lumapit?
(Naririnig mo ba ako) Lumapit ka, lumapit ka, ha, ha
(Kasama ka sa aking awit)
Ba't di ka lumapit?
[Outro]
(Naririnig mo ba ako) Lumapit ka, lumapit ka, ha, h
(Heto ako)
Ba't di ka lumapit?