Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

Credits: Rey Valera
from 25 Years 25 Hits (2002)
[Verse 1]
Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, ooooooh
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko
[Verse 2]
Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok
Ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Nang nakaraan sa 'tin
Ang nakalipas ay ibabalik natin, ooooooh
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko

[Interlude]
[Outro]
Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmmmmmm
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko
Kahit maputi na ang buhok ko

More from 25 Years 25 Hits (2002)

More by Sharon Cuneta

All Sharon Cuneta songs →