Sharon Cuneta
Mahal Pa Rin Kita
[Verse 1]
'Di ko man maamin sa aking puso
'Di na nararapat ngunit bakit ganito
Hanggang ngayo'y nasasaisip ikaw lamang
Kahit na nga mahabang panahon na'ng nagdaan

[Verse 2]
Ako ba'y nagsisi't hinayaang mawala
Nalimutan ko na bang ako'y 'yong pinaluha
Ikaw kaya'y gano'n din at minsa'y dumaraan
Sa isip mo'ng tamis ng dating pagmamahalan

[Chorus]
'Di na maaaring magbalik ating nakaraan
'Di ko na nais pang madamang ako'y iyong saktan
Ngunit pilit mang limutin ay 'di maamin sa puso't damdamin
Ikaw pa rin
Mahal pa rin kita

[Verse 3]
Minsan sa 'king pagtulog, panaginip ka
Ang puso ko'y hindi pa rin mapahinga
Akala mo'y wala na
O, kung alam mo sana
Hindi pa rin nagbabago
Pag-ibig ko sa 'yo
[Chorus]
'Di na maaaring magbalik ating nakaraan
'Di ko na nais pang madamang ako'y iyong saktan
Ngunit pilit mang limutin ay 'di maamin sa puso't damdamin
Ikaw pa rin (Ikaw pa rin)
Mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita, ah ah

[Bridge]
Saan man ako maparoon
Dumaan man ang ilang panahon
Ikaw pa rin ang alaala
Alam mo ba (Ikaw pa rin)
Alam mo ba

[Chorus]
'Di na maaaring magbalik ating nakaraan
'Di ko na nais pang madamang ako'y iyong saktan
Ngunit pilit mang limutin ay 'di maamin sa aking damdamin
Ikaw pa rin (Ikaw pa rin)
Mahal pa rin kita

[Outro]
Mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita (Ikaw pa rin, ikaw pa rin)
Mahal pa rin kita