Sharon Cuneta
Dapat Ka Bang Mahalin
[Verse 1]
Bakit ba halos lahat sila
Ay nagpapayong 'di ka dapat mahalin?
Kahit pa ipagtanggol kita
Ang paliwanag ko ay 'di nila pansin

[Chorus]
'Di ba raw ako sa 'yo'y nabubulagan?
Mas higit pa raw ang kahit sinuman
Kung alam nilang kundi dahil sa 'yo
'Di kailanman liligaya ng ganito
Dapat ka bang mahalin, o dapat nga ba?
'Di ka raw naman marunong magmahal
Kahit dapat o hindi, batid ng Maykapal
Ang aking mahal, kailan pa ma'y ikaw

[Verse 2]
'Di nila nauunawaan pa
Na ang nagmamahal ay 'di mapaghanap
Kahit ka 'sang sinungaling pa
Ang masawi sa 'yo'y aking matatanggap

[Chorus]
Alam kong ako'y hindi nabubulagan
Iibigin ka magpakailan pa man
Huwag silang magtatanong kung ika'y dapat
Mahalin ko ng walang kasingtapat
Dapat ka bang mahalin, o dapat nga ba?
'Di ka raw naman marunong magmahal
Kahit dapat o hindi, batid ng Maykapal
Ang aking mahal, kailan pa ma'y ikaw
[Outro]
Dapat kang mahalin
Dapat kang mahalin