Sharon Cuneta
Parang Baliw
[Verse 1]
Nang ikaw ay lumisan
Na tangay mo'y katwiran
Ng nagmamahal sa 'yo
Nang ako ay iniwan
Natira'y puso lamang
Ng nagmamahal sa iyo

[Pre-Chorus]
Aking puso't damdamin
Ay 'di na dadalhin
Sa dating tagpuan
Ng ating suyuan

[Chorus]
Para bang baliw (Para bang baliw)
Na hinahanap ka
Para bang baliw (Para bang baliw)
Na tinatawag ka
Sa harap ng sinungaling na pang-aliw
Na babalik ka pa giliw (Para bang baliw)
Para bang baliw (Para bang baliw)
Na umiibig pa

[Verse 2]
Ang muli kang maging akin
Ang tanging siyang panalangin
Ng pagmamahal sa 'yo
Paano mo pipigilin
Ang mapusok na damdamin
Ng nagmamahal sa 'yo?
[Pre-Chorus]
Alaalang nahiram
Tuwing aking binabalikan
Puso'y lumalaban
Sa aking katwiran

[Chorus]
Para bang baliw (Para bang baliw)
Na hinahanap ka
Para bang baliw (Para bang baliw)
Na tinatawag ka
Sa harap ng sinungaling na pang-aliw
Na babalik ka pa giliw
Para bang baliw (Para bang baliw)
Na umiibig pa

[Instrumental Break]

[Chorus]
Para bang baliw (Para bang baliw)
Na hinahanap ka
Para bang baliw (Para bang baliw)
Na tinatawag ka
Sa harap ng sinungaling na pang-aliw
Na babalik ka pa giliw
Para bang baliw (Para bang baliw)
Na umiibig pa (Para bang baliw)
Para bang baliw (Para bang baliw)
Na hinahanap ka
Para bang baliw (Para bang baliw)
Na tinatawag ka
Sa harap ng sinungaling na pang-aliw
Na babalik ka pa giliw
Para bang baliw (Para bang baliw)
Na umiibig pa, na umiibig pa (Para bang baliw)
Para bang baliw (Para bang baliw)
Na hinahanap ka
Para bang baliw (Para bang baliw)