Sharon Cuneta
Kahit Wala Ka Na
[Verse 1]
Minsan ang buhay parang musika
Puro tunog damdamin ay wala
'Pag iyong naririnig, may hinahanap pa
Wala nang buhay, may kulang pa rin

[Verse 2]
Itong nadama nang mawala ka
At sa haba ng gabi, nasanay din ako
Napatunayan kong kahit nag-iisa
Tuloy ang buhay kahit wala ka na

[Chorus]
Kahit wala ka na, kahit wala ka na
Bukas ay naghihintay sa gitna ng pag-iisa
At kung sakali mang iibig pang muli
Sisikapin kong hindi na muling magkamali

[Post-Chorus]
Mahirap mang gawing limutin ka
May luha man sa 'king mga mata
Tuloy ang buhay kahit wala ka na

[Instrumental Break]

[Chorus]
Kahit wala ka na, kahit wala ka na
Bukas ay naghihintay sa gitna nang pag-iisa
At kung sakali mang iibig pang muli
Sisikapin kong hindi na muling magkamali
[Post-Chorus]
Itatayo ako ng panahon
Sa luhang dulot ng nakaraan
Tuloy ang buhay kahit wala ka na