Sugarfree
Ikaw Pala
[Verse 1]
Kung saan-saan na napadpad
Naglakad, lumangoy, at lumipad
Tuwing akala ko pag-ibig ay tunay na
Hindi pala, hindi pala

[Pre-Chorus]
No'ng hindi na nakatingin
At saka ka dumating
Nandiyan ka lamang pala
'Di ka lang nagsasalita

[Chorus]
Ikaw pala aking hinahanap
Ang bahaghari ko sa likod ng ulap
Ikaw ang hulog ng langit sa puso kong napunit
Dahil sa dramang paulit-ulit
Kanina ka pa ba nariyan?

[Verse 2]
Ikaw pala ang aking hinahanap-hanap
(Ikaw pala) awit na 'di matanggal sa aking isipan
'Di na mahalaga kung saan ako dalhin ng hangin
Basta't nandito ka sa 'king piling

[Pre-Chorus]
No'ng hindi na nakatingin
At saka ka dumating
Nandiyan ka lamang pala
'Di ka lang nagsasalita
[Chorus]
Ikaw pala aking hinahanap
Ang bahaghari ko sa likod ng ulap
Ikaw ang hulog ng langit sa puso kong napunit
Dahil sa dramang paulit-ulit
Kanina ka pa ba nariyan?

[Bridge]
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
Ah, ah-ah-ah
Ah, ha-ha-ha

[Chorus]
Oh, ikaw pala aking hinahanap
Ang bahaghari ko sa likod ng ulap
Ikaw ang hulog ng langit sa puso kong napunit
Dahil sa dramang paulit-ulit
Kanina ka pa ba nariyan?
Ikaw pala, ah, ha, ha
Ah, ha, ha

[Post-Chorus]
Ikaw pala (Sino, nasa'n, kailan ka pa)
Ikaw pala (Sino, nasa'n, kailan ka pa)
Ikaw pala (Sino, nasa'n, kailan ka pa)
Ikaw pala