Gary Valenciano
Lupa
[Chorus]
Kaya't pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon, magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo't magbago

[Verse 1]
Nagmula sa lupa, magbabalik na kusa
Ang buhay mong sa lupa nagmula
(Kaya't pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon, magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo't magbago)
Bago mo linisin ang dungis ng iyong kapwa
Hugasan mo iyong putik sa mukha
Oh-woah, oh-oh

[Bridge]
Kung ano ang 'di mo gusto
Huwag gawin sa iba, woah-woah-oh
Kung ano ang 'yong inutang
Ay siya ring kabayaran
Wooh-wooh-wooh-wooh

[Pre-Chorus]
Sa mundo, ang buhay
Ay mayroong hangganan
Dahil tayo ay lupa lamang
[Chorus]
Kaya't pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon, ika'y magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo, oh-woah

[Verse 2]
Hindi pa huli ang lahat
May panahon pa para ika'y magbago
Mahalin ang iyong kapwa nang buo mong pagkatao
Iwasan ang lahat ng masasamang gawain
Gumawa ka ng mabuti at ika'y pagpapalain
Huwag susuko sa 'yong mga problema
Habang ika'y may buhay may natitirang pag-asa
Matuto kang magpatawad
Huwag kang maging mayabang
Isiping sa ibabaw ng mundo tayo ay lupa lamang

[Pre-Chorus]
Sa mundo, ang buhay
Ay mayroong hangganan
Dahil tayo ay lupa lamang

[Chorus]
Kaya't pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon, ika'y magbago
Pagmamahal sa kapwa'y isipin mo
Kaya't pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon, ika'y magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo, oh-oh
[Outro]
(Ya-ya, ya-ya, ya-ya-ya-ya, ya-ya, ya-ya, ya-ya-ya-ya)