Antay

from Superhero (2019)
Tahan na, tahan na

Halika na, sandal na

Di kita iiwan
Ito'y panandalian lamang

Katawan ma’y lumayo

Sa puso ko ika'y nandito



Tawag lang, tawag lang

Wag na wag mag alinlangan

Kailan ma'y di ka iiwan

Buhay ko’y tanging sa yo lamang

Ako man ay lumayo

Dala nama'y ating pangako



Dahil minsan sa buhay tao

Di maiwasan ang magkalayo

Higpitan man ang hawak

Panahon pa ri'y tayo'y ibubuwag

At kung mangyayari man ito umasa kang di magbabago

Pagkat lahat ng bagay ay may dahilan

At ang ngayon ay pakawalan mo lang

Dahil ito'y magiging kahapon lamang

Na nagdaan



Antay lang, antay lang

Ikaw ay babalikan

Kailanma'y di ka iiwan

Buhay ko'y tanging sa yo lamang

Ako man ay lumayo

Dala nama'y ating pangako



Dahil minsan sa buhay tao

Di maiwasan ang magkalayo

Higpitan man ang hawak

Panahon pa ri’y tayo’y ibubuwag

At kung mangyayari man ito

Umasa kang di magbabago

Pagkat lahat ng bagay ay may dahilan

At ang ngayon ay pakawalan mo lang

Dahil ito'y magiging kahapon lamang Na nagdaan



Antay lang

Antay lang Ikaw ay babalikan Antay lang...

More from Superhero (2019)

More by Jed Madela

All Jed Madela songs →