Silent Sanctuary
Ikaw Lamang
[Verse 1]
'Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka

[Refrain]
Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta

[Pre-Chorus]
Sana'y 'di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

[Chorus]
Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang, sinta
Wala na 'kong hihingin pa
Wala na, ooh, ooh, ooh-ooh

[Verse 2]
Ayoko nang maulit pa
Ang nakaraang, ayokong maalala
Bawat oras na wala ka
Parang mabigat na parusa
'wag mong kakalimutan na kahit nag-iba
'Di ako tumigil magmahal sa'yo, sinta
[Refrain]
Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta

[Pre-Chorus]
Sana'y 'di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

[Chorus]
Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang, sinta
Wala na 'kong hihingin pa
Wala na, ooh, ooh, ooh-ooh

[Instrumental Bridge]

[Chorus]
Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang, sinta
Wala na 'kong hihingin pa
Wala na, ooh, ooh, ooh-ooh