Silent Sanctuary
Maalala Mo Sana
[Verse 1]
Natupad din ang aking pangarap na ipagtapat sa 'yo
Ibubulong ko na lamang
Sa alapaap ang sigaw ng damdamin ko
Sulyapan mo lang sana ang langit
Baka sakaling marinig ng puso mo ang tinig ko

[Chorus]
Maalala mo sana ako dahil noon pa man
Sa 'yo lang nakalaan ang pag-ibig ko
Bawat sandali na ikaw ay kasama
Para bang 'di na tayo muling magkikita
Kaya ngayon aaminin na sa 'yo
Na mahal na mahal kita
Maalala mo sana

[Verse 2]
Naitago ko pa ang lahat ng iyong mga liham
Unang ngiti mga yakap mo'y
'Di maalis sa aking isipan
Tutugtog ako ng gitara
Baka sakaling sumagi sa isip mo ang mga pangako

[Chorus]
Maalala mo sana ako dahil noon pa man
Sa 'yo lang nakalaan ang pag-ibig ko
Bawat sandali na ikaw ay kasama
Para bang 'di na tayo muling magkikita
Maalala mo sana ako dahil noon pa man
Sa 'yo lang nakalaan ang pag-ibig ko
Bawat sandali na ikaw ay kasama
Para bang 'di na tayo muling magkikita
Kaya ngayon aaminin na sa 'yo

[Outro]
Na mahal na mahal kita
Na mahal na mahal kita
Maalala mo sana