Silent Sanctuary
Kundiman
[Verse 1]
Para kang asukal
'Singtamis mong magmahal
Para kang pintura
Buhay ko'y ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot
Na yumayakap sa t'wing ako'y nalulungkot

[Pre-Chorus]
Kaya't 'wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala

[Chorus]
Kung hindi man tayo hanggang dulo
'Wag mong kalimutan
Nandito lang ako, laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

[Verse 2]
'Di baleng maghapon pang umulan
Basta't ikaw ang sasandalan
Liwanag ng lumulubog na araw
Kay sarap pagmasdan
Lalo na kapag
Nasisinagan ang 'yong mukha
Ayoko nang magsawa
Hinding-hindi magsasawa sa'yo
[Pre-Chorus]
Kaya't 'wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala

[Chorus]
Kung hindi man tayo hanggang dulo
'Wag mong kalimutan
Nandito lang ako, laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko—

[Bridge]
Bahala na
Ayoko munang magsalita
Hayaan na muna natin
Ang daloy ng tadhana

[Chorus]
Kung 'di man tayo hanggang dulo
'Wag mong kalimutan
Nandito lang ako, laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Kung hindi man tayo hanggang dulo
'Wag mong kalimutan
Nandito lang ako, laging umaalalay
Hindi ako lalayo
[Outro]
Dahil ang tanging panalangin
Dahil ang tanging panalangin
Ay ikaw, ay ikaw, ay ikaw, ay ikaw