Silent Sanctuary
Ingat Ka
[Verse 1]
Huwag kang mag-alala
Nakaukit na sa isip ko
Nakatitig sa 'yong mata
Nasa langit na ba ako?

[Pre-Chorus]
Minsan lang nagsama
Sa Lunes, aalis ka na
Salamat na rin ikaw ay nakilala

[Chorus]
Doon mag-ingat ka (Sa'n ka man magpunta)
Matulog maaga (Para 'di mamutla)
Huwag masyadong magpupuyat
Inom gamot 'pag nilalagnat

[Verse 2]
Sayang din talaga
'Pag kausap ka'y sarap sa tenga
Ngiti mong kay ganda
Siguradong mami-miss kita

[Pre-Chorus]
Minsan lang nagsama
Sa Ferris wheel, tabi kita
Salamat na rin extended version pa
[Chorus]
Doon mag-ingat ka (Sa'n ka man magpunta)
Matulog maaga (Para 'di mamutla)
Hinay-hinay lang sa kape
Lalong-lalo na sa tanghali

[Pre-Chorus]
Minsan lang nagsama
At bukas aalis ka na
Sayang, sana ay nagtagal ka pa

[Chorus]
Doon mag-ingat ka
Matulog maaga
Doon mag-ingat ka (Doon mag-ingat ka)
Matulog maaga (Matulog maaga)
Doon mag-ingat ka (Doon mag-ingat ka)
Matulog maaga (Matulog maaga)
Huwag masyadong magpupuyat
Inom gamot 'pag nilalagnat
Hinay-hinay lang sa kape
Lalong-lalo na sa tanghali