Silent Sanctuary
Meron Nang Iba
[Verse 1: Raymund Sarangay]
Mahirap bang pumili at magpasya?
Hindi ba dapat mahal mo'ng mauuna?
Kaya ngayon, 'di na kita makilala
Kamusta ka na?

[Chorus: Raymund Sarangay]
Darating din sa akin, malilimutan kita
Subukan mong pilitin, baka nga 'di tayong dal'wa
Nanlalamig na damdamin, kay tagal mo kasing nawala
Sa araw na umuwi ka, meron na akong iba
Meron na akong iba

[Verse 2: Ashley Gosiengfiao]
Apat na buwan, marami pang hindi alam
Pasensya na, umalis ng gano'n na lang
Siguro nga, hindi ko 'to napag-isipan
At biglang lumayo

[Chorus 2: Ashley Gosiengfiao]
Darating din sa akin, muling magiging akin ka
Subukan mong pilitin, 'wag ka munang mawala
Nanlalamig na damdamin, dito'y walang napapala
Sa araw na uuwi na, meron ka na bang iba?

[Bridge: Raymund Sarangay, Ashley Gosiengfiao]
Nasan ka nung kailangan ko ang yakap mo?
Hinanap ang puso mo'ng tanging baon ko
Sa langit, magsusulat na ng bagong yugto
Handa 'kong maghintay (Subukang maghintay)
Sinulat sa'king kamay, ahh
[Chorus: Both, Raymund Sarangay, Ashley Gosiengfiao]
Hindi ko rin akalain, malilimutan kita
Subukan mang pilitin, talagang 'di tayong dal'wa
Napagod na ang damdamin, kay tagal mong nawala
Sa araw na umuwi ka, meron na akong iba

[Outro: Raymund Sarangay, Ashley Gosiengfiao]
Meron na akong iba
Meron ka na bang iba?
Meron na akong iba