Silent Sanctuary
Di Na Kita Mahal
[Verse 1]
Hindi na kita mahal
Yan ba ang nais mong marinig?
Sa hangin nakasandal
Nagbabadya nang huling halik

[Pre-Chorus 1]
Paano na ang mga gabi
Kung 'di ka katabi

[Chorus]
Kung ako lang, kung ako lang
Ay 'di ko sasabihin
Para sa'yo, para sa'yo
Kailangan kang limutin

[Verse 2]
Sumpaang magtatagal
Mga pangarap naging abo
Sino nga ba ang hangal?
Bakit tayo nagkaganito?

[Pre-Chorus 2]
Wala na bang halaga
Mundo nating dalawa
[Chorus]
Kung ako lang, kung ako lang
Ay 'di ko sasabihin
Para sa'yo, para sa'yo
Kailangan kang limutin
Limutin

[Bridge]
Kung ako lang
Para sa'yo

[Chorus]
Kung ako lang, kung ako lang
Ay 'di ko sasabihin
Para sa'yo, para sa'yo
Handa kitang limutin

Kung ako lang, kung ako lang
Ay 'di ko kakayanin
Para sa'yo, dahil sa'yo
Ay aking pipilitin

[Outro]
Buhay ko'y isusugal
Ikaw man ang nasasakdal
Hindi na kita mahal