Toni Gonzaga
Kahit Na
[Intro]
Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa'yo
Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa'yo

[Verse 1]
Naaalala ko pa dati nung una kang makita, 'di ba?
Wala ka ngang kagwapuhan na maipakita
Inaasar ka na kulang ka sa bitamina
At mukha mo daw nasabugan pa ng dinamita
Pero kahit na pangit ka
Gustong-gusto ko pa rin na mapasakin ka
Kahit mukha kang galit, sa akin happy ka
Kahit parang 'di ka natatablan ng mahika

[Chorus]
Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa'yo
Hindi alam kung ano ba ang nagdudulot-dulot nito
Hindi ka naman gwapo, macho 'di masyado
Ngunit sabi ng puso'y oo, oo
Sabi ng barkada, 'wag na lang daw sana
Ngunit sabi ng puso'y oo, oo

[Verse 2]
Baka walang mag-iba kung sinapak ka sa iyong mukha
'Pagkat parang tinapakan ka
Baka sa galit ng Diyos, may kinalaman ka
O nagmadali lamang Siya nung ginawa ka niya
Pero kahit na pangit ka, akin ka
Ikaw ang baterya sa puso ko na makina
Kahit mukha kang paa, nakaka-loose ka
At least ikaw yung tipong paa na naka-foot spa
[Chorus]
Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa'yo
Hindi alam kung ano ba ang nagdudulot-dulot nito
Hindi ka naman gwapo, macho 'di masyado
Ngunit sabi ng puso'y oo, oo
Sabi ng barkada, 'wag na lang daw sana
Ngunit sabi ng puso'y oo, oo

[Bridge]
Kahit ano pang sabihin nila
Malabo daw ang aking mata
Alam ng pusong iibigin
At ikaw ang para sa akin
Sayang daw ang postura
Kung ganyan ang itsura (Itsura)
Alam ng pusong iibigin
At ikaw ang para sa akin

[Chorus]
Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa'yo
(Nabulag sa mukhang paa)
Hindi alam kung ano ba ang nagdudulot-dulot nito
(Pero mahal kita)
Hindi ka naman gwapo, macho 'di masyado
Ngunit sabi ng puso'y (Ang pangit mo) oo, oo (Ang chaka mo)
Sabi ng barkada (Pake nila), 'wag na lang daw sana (Mahal kita)
Ngunit sabi ng puso'y oo, oo
[Outro]
Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa'yo
(Hoy, pangit, love you)