Gene
’Di Bale Na
Ang hirap pala pag nakipagtitigan
Nakakatakot at baka mahulog nanaman
Di sinasadya baka ito'y biglaan lang?
Para kasing halaman na sa tubig ay tigang

Bakit ba pag-umiibig tayo'y tanga
Gagawin lahat kahit ano ipupusta
Aking iintayin kahit gaano katagal
Kasi sayo ibubuhos aking pagmamahal

CHORUS :
'Di bale na wag mo munang iisipin
Sarili nalang muna ang intindihin mag aantay nalang wag madaliin
'Di bale na isasabay nalang sa hangin
Aantayin aking dalangin kasama ang pangarap naten
(kasama ang pangarap)

Pero okay lang naman kung hindi ka pa handa
Mag aantay nalang hanggang sa tayo'y tumanda
Pasensya na nahulog lang hindi sinasadya
Pakinggan nalang ang alay namin na harana

Wag mong pansinin ang sasabihin ng iba
Handa kong ibigay lahat lahat pati mga tala
Sa taas ng madilim na langit
Sana'y mayakap kita kahit na saglit