[Intro]
Hah-hah-hah
Hah-hah-hah
[Verse 1]
Ang pag-ibig na nadarama
Ay hindi maikukumpara
Sa ibang nakapiling ko na
Ikaw lamang ang naiiba
[Pre-Chorus]
Ang aking puso'y nag-uumapaw (Hah-hah-hah)
Ang aking buhay ay nagkakulay muli (Hah-hah-hah)
[Chorus]
O, kay sarap umibig muli
Ang aking dasal, iyong narinig
Ang luha noon, ngayon ay ngiti
O, kay sarap umibig muli
[Interlude]
Hah-hah-hah
Hah-hah-hah
[Verse 2]
Ilang beses na ring nasaktan
Ang umibig, nilimot na lang
Ngunit nang makilala ka na
Mundo ko ay biglang nag-iba
[Pre-Chorus]
Ang aking puso'y nag-uumapaw (Hah-hah-hah)
Ang aking buhay ay nagkakulay muli (Hah-hah-hah)
[Chorus]
O, kay sarap umibig muli
Ang aking dasal, iyong narinig
Ang luha noon, ngayon ay ngiti
O, kay sarap umibig muli
[Bridge]
O, ang hatid mo'y bagong pag-asa
Na sa pag-ibig ay nagtiwala
'Di pa huli ang lahat sa atin
Sinong may sabing 'di ka darating?
[Chorus]
O, kay sarap umibig muli
Ang aking dasal, iyong narinig
Ang luha noon, ngayon ay ngiti
O, kay sarap umibig muli
[Outro]
Hah-hah-hah
Hah-hah-hah