Musikero
Sa buhay na mabilis
Sa pamamagitan ng gitara
Ang buhay pinatatamis
Sa dami ng pangako
Ng iba't ibang tao
Salapi at trabaho
Isa lang ang aking iniibig
Na ang boses at mga awitin ko'y inyong marinig
Musikero
Sa buhay na masikip
Sa pamamagitan ng awitin
Lumalaya ang aking isip
Sa langit na makulay
Maluwang, malumanay
At walang nakahanay
Isa lang ang aking nakikita
Na tulad ng ulap
Ang tao'y sinilang ng malaya
Mahirap mang aminin
Ito lang ang kaya kong maging
Hindi ako ganun kabait upang magpari
Kailangan din naman ng kaunting pag-aari
Ngunit kailanman ay hinfi ko pinangarap ang maging hari
Musikero
Sa nagbabagong mundo
Sa pamamagitan ng tunog
Mga ligaw na puso ay sinusundo
Sa dami ng nahihilo
Sa gulo ng tsubibo
Ng mundong nagbabago
Isa lang ang sa 'ki'y maliwanag
Na sa dulo ng araw ay may awit na tumatawag
Mahirap mang aminin
Ito lang ang kaya kong maging
Hindi ako ganun kabait upang magpari
Kailangan din naman ng kaunting pag-aari
Ngunit kailanman ay hinfi ko pinangarap ang maging hari
Musikero
Sa buhay na mabilis
Sa pamamagitan ng awitin
Mga buhay pinatatamis
Sa dami ng nahihilo
Sa gulo ng tsubibo
Ng mundong nagbabago
Isa lang ang sa 'ki'y maliwanag
Na sa dulo ng araw ay may awit na tumatawag
Na sa dulo ng araw ay may langit
Na tumatawag