Christian Bautista
Isang Puso Ngayong Pasko
[Verse 1: Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Maricris Garcia, Aicelle Santos]
Kailangang muling bumangon
Ang pusong humaharap sa hamon
Patuloy na nananalangin
Umaasang ito'y diringgin
Sugat at sakit ng kahapon
Maghihilom din sa tamang panahon (Maghihilom din)
'Di mawawala ang tiwala (Laging magtiwala)
Sa pag-ibig na nagmula sa Kaniya

[Pre-Chorus: Mark & Maricris, Mark Bautista, Maricris Garcia]
Ang pangako ng puso
Ibahagi ang liwanag ng Pasko (Liwanag ng Pasko)

[Chorus: Julie Anne San Jose, Aicelle Santos & Mark Bautista, Christian Bautista & Maricris Garcia, Golden Cañedo, *All*]
Isang puso, ikaw at ako magkakasama tayo (Magkakasama tayo)
Isang puso ngayong Pasko
Nagmamahalang totoo (Nagmamahalang totoo)
Isang puso, ikaw at ako
Nagkakaisa tayo
Isang puso ngayong Pasko
Para sa Pilipino
*Isang puso ngayong Pasko* (Oh, oh)
*Isang puso ngayong Pasko*

[Verse 2: Gabbi Garcia, Jeremiah Tiangco, Garett Bolden]
Saan man tayo tumungo (Kahit saan man)
Mundo man natin ay magbago
Magpapatuloy ang buhay (Tuloy lang ang buhay)
Kung puso ang magsisilbing gabay
[Pre-Chorus: Rita Daniela, Gabbi Garcia, Garett Bolden]
Ang pangako ng puso
Ibahagi ang liwanag ng Pasko (Ang liwanag) (Ang liwanag ng Pasko)

[Chorus: All, Jeremiah Tiangco, Golden Cañedo]
Isang puso, ikaw at ako magkakasama tayo (Magkakasama tayo)
Isang puso ngayong Pasko
Nagmamahalang totoo (Nagmamahalang totoo)
Isang puso, ikaw at ako
Nagkakaisa tayo
Isang puso ngayong Pasko
Para sa Pilipino
Isang puso ngayong Pasko (Oh, oh)
Isang puso ngayong Pasko

[Bridge: Aicelle Santos & Maricris Garcia, Julie Anne San Jose & Golden Cañedo, Golden Cañedo, Julie Anne San Jose]
Walang hindi magagawa
Kung lahat tayo ay sama-sama
Buong pusong nagmamahalan
Para sa Pilipino at sa buong mundo (Sa buong mundo)

[Chorus: All]
Isang puso ikaw at ako magkakasama tayo
Isang puso ngayong Pasko
Nagmamahalang totoo
Isang puso ikaw at ako
Nagkakaisa tayo
Isang puso ngayong Pasko
Para sa Pilipino
Isang puso, ikaw at ako magkakasama tayo
Isang puso ngayong Pasko
Nagmamahalang totoo
Isang puso ikaw at ako
Nagkakaisa tayo
Isang puso ngayong Pasko
Para sa Pilipino
[Outro: All]
Isang puso ngayong Pasko (Oh, oh)
Isang puso ngayong Pasko
Isang puso ngayong Pasko (Oh, oh)
Isang puso ngayong Pasko