Basil Valdez
Paano Ba Ang Mangarap
[Verse 1]
Paano bang mangarap ang isang bigo?
Kung ang ligaya'y lalo pang lumalayo
Kailangan bang matulog nang sakdal-himbing?
Tumakas sa mundo at huwag nang magising

[Verse 2]
Paano bang mangarap ang isang sawi
Kung ang luha'y kapiling bawat sandali
Sana'y naituro mo ang dapat kong gawin
Bago tuluyang lumayo sa akin

[Chorus]
'Di ko alam muli pang mag-isa
Mula nang makapiling ka
Dahil ako'y umasa na lagi kang kasama
Laban sa mundo ay tayo lang dalawa

[Verse 3]
Paano bang mangarap na magbalik
At muling gigisingin pa ng 'yong halik?
Kahit man lang sa huling saglit ng buhay ko
Ang pangarap ba'y magkakatotoo?

[Chorus]
'Di ko alam muli pang mag-isa
Mula nang makapiling ka
Dahil ako'y umasa na lagi kang kasama
Laban sa mundo ay tayo lang dalawa
Paano ba ang mangarap kung bigo
At may sugat ang iyong puso?
'Di ba't kailanga'y may kaagapay
Pagmamahal mo ay ang tangi kong buhay
Paano ba ang mangarap kung bigo
At may sugat ang iyong puso
'Di ba't kailanga'y may kaagapay