Basil Valdez
Bukas
[Verse 1]
Ang nakaraan, bakit mo binabalikan?
May bukas na iyong mapaghahandaan
Kung may luha at ang puso'y sugatan
Bakit 'di mo malimot? May bukas pa naman

[Verse 2]
Mamahalin ka, 'yan ay pangako, sinta
Maaasahan mo ito'y panghabang buhay na
Kung ang puso mo ay kanyang nasaktan
Huwag mo namang sasalaan, ako'y pagbigyan

[Bridge]
Mahal mo ako, 'yan ang sinabi mo
Ngunit sapat na ba kung buhay ang ialay ko?
Laging may kulang, kulang sa kahulugan
Kung ang hanap mo'y 'di mo alam

[Verse 3]
Ang nakaraan, bakit mo binabalikan?
May bukas na 'yong mapaghahandaan
Kung ang puso'y matuto at muling mabuksan
Bakit 'di mo pakawalan? May bukas pa naman

[Instrumental Break]
[Verse 4]
Ang nakaraan, hindi mo na mababalikan
May bukas na kung ano'y hindi mo alam
Kung ang puso'y natuto nang siya'y nasaktan
Ngayon mo subukan, bukas mo husgahan