Basil Valdez
Galing Sa Puso
[Verse 1]
Isipin mo naman
Ang puso kong laging nagdaramdam
Kung siya'y sasaktan
Piliin mo naman ang dahilan
Hindi napapansin, tuloy-tuloy pa rin
Hindi man sadyain, magmamahal din
Ang umibig ay 'di gaya ng isip natin

[Verse 2]
Mga pangarap mo
Puso rin ang siyang pagmumulan
Dahan-dahanin mo
At labis pa ring magdaramdam
Pintig ng puso kung susundan
Baka ka mabigo, landas ay kaligtan
Maraming naligaw na galing sa puso

[Verse 3]
Heto na naman, hindi mo ba matutulungan?
Hindi humihinto
Isinisigaw-sigaw ang luho galing sa puso, oh, oh, oh
Tanging sa 'yo lamang patungo
Bawat sandali ay aangkinin
Bawat pighati, malilimot din
Ang pag-ibig ko'y sa puso galing
[Outro]
Isipin
Nagdaramdam
Isipin
Galing
Isipin
Nanggaling