Basil Valdez
Kung Nagsasayaw Kita
[Verse 1]
Kung nagsasayaw kita at umiindak
Puso ko'y kumakaba at pumipitlag
Dahil sa ikaw ang tunay kong nililiyag
At pangarap ka ng puso ko sa magdamag
[Verse 2]
Bakit ba naman ikaw ay lumalayo?
'Di pa't tanggapin niyaring pagsuyo
Kung nagsasayaw kita, dibdib ko'y kumakaba
Sana'y huwag matapos ang madlang saya
[Instrumental Break]
[Verse 2]
Bakit ba naman ikaw ay lumalayo?
'Di pa't tanggapin niyaring pagsuyo
Kung nagsasayaw kita, dibdib ko'y kumakaba
Sana'y huwag matapos ang madlang saya
[Verse 3]
Tunay na tunay ba? Pagsuyo ko'y tunay
Hanggang kailan nga ba? Hanggang may buhay

[Outro]
Kung nagsasayaw kita, dibdib ko'y kumakaba
Sana'y huwag matapos ang madlang saya