Basil Valdez
Sapagkat Kami Ay Tao Lamang
[Verse]
Puso, kahit hindi turuan
Nakapagtataka, natututuhan din ang magmahal
Tunay kaming nagmamahalan
Kung kasalanan man ay sapagkat kami ay tao lamang
[Chorus]
Kahit Diyos na ang siyang may utos
Dahil sa pagsinta, damdamin din ang siyang nasusunod
'Di ba tayo ay tao lamang?
Ganyan tayong lahat, o, kay saklap ng buhay
[Instrumental Break]
[Chorus]
Kahit Diyos na ang siyang may utos
Dahil sa pagsinta, damdamin din ang siyang nasusunod
At kung iyan may ay kasalanan
Ay sapagkat kami ay tao lamang
[Outro]
At kung iyan may ay kasalanan
Ay sapagkat kami ay tao lamang